Sabi ni Kuya Em iba ang 'kinakaya' sa 'sanay na'

Marcelo Santos III advice on life
Photo courtesy of Marcelo Santos, Jr.



Sa totoo lang walang kinalaman ang title sa first half ng post na ito pero basahin mo pa din, nandito ka na eh.

Siguro isa ito sa mga kakaibang uri ng blog post ko hindi lang dahil sa ito ay nasusulat sa lenggwaheng Filipino pero dahil na din sa pagiging espesyal ng motibasyon ko sa pagsulat nito.

Araw ngayon ng sabado at kanina nanggaling ako sa book signing ni Kuya Em. Sa totoo lang hindi ito ang naka-schedule kong event sa araw na ito dahil noong nakalipas na buwan ay meron na akong seminar/workshop na dapat pupuntahan pero pagka-message pa lang ni Ate Karla ay agad ko nang napagdesisyunan na si Kuya Em ang pupuntahan. Wala namang pagsisisi, sulit lahat ang ganap sa araw na ito.

Nakakatuwa na sa tagal ng hindi naming pagkikita nila Ate Karla, Ate Criselda, at Kuya Em ay nandoon pa din yung familiarity. Natuwa ako na kahit hindi ako naging aktibo sa pagdalo ng mga events ay nandoon pa din yung pagtanggap at bond. Ang pinaka na-enjoy ko ay yung pag-uusap namin nila Ate Karla, ako, at Kuya Em sa holding area nya dahil sa pagdala sa amin doon ni Daddy Em.

Natuwa ako na makita na si Kuya Em pa din sya. Siya pa din ang taong hinangaan ko at minahal. Natuwa akong makita ulit sya at makakwentuhan hanggang sa puntong hindi na nga namin naalalang magpa-picture sa kanya doon kahit pwedeng-pwede naman naming abusuhin ang kanyang oras. Ewan ko, pero mas natuwa ako na wala kaming ginawa doon kung hindi ang magkwentuhan hanggang dumating ang oras na kailangan na nyang maghanda para sa mismong event.

Hindi sya artista ng mga sandaling iyon. Hindi sya iyong ‘best-selling author’ na ipinapakilala nila Kuya Jepoy, hindi sya yung King of Hugot, hindi siya yung vlogger.

Siya si Kuya Em.

Pagkauwi ko binasa ko kaagad yung isang libro na binili ko, at natapos ko ng isang upuan, dahil ibibigay ko iyon sa kaibigan ko na fan din ni Kuya Em at ang dahilan kung bakit ako finollow ni Kuya sa Twitter noong October 29, 2013. Paraan ko na din nang pag-give back sa kanya.

Sa librong iyong may isang linya at ang sabi doon ‘iba ang kinakaya sa sanay na’.

Marahil iyong linya na iyon ay parte ng isang tula na patungkol sa pag-ibig pero na-relate ko iyon sa buhay. Minsan sa buhay bibigyan ka ng mga problema na paulit-ulit at marahil akala ng iba sadyang malakas ka lang kasi kinakaya mo, lagi mong kinakaya at nalalampasan pero sa totoo pala ay nasanay ka na lang.

Nasanay ka na lang kasi wala ka namang choice. Minsan talaga mawawalan tayo ng choice sa buhay pero hindi ibig sabihin lagi mo na lang sasanayin ang sarili mo ha? Minsan i-assess mo din yung nangyayari sayo kasi kung masyado ka nang sanay na sobra na yung cycle ng pagiging sanay mo aba baka tama lang na itigil na yang paulit-ulit na gawain na yan.

Iba pa din kasi yung may growth ka. Iba pa din yung aalis ka sa comfort zone mo.

Isipin mo ang sarili mo at tignan mo kung sanay ka na pero may growth pa din o sanay ka na kaya nagse-settle ka na lang sa less?


0 $type={blogger}